Home NATIONWIDE 5 batang Manilenyo, isasailalim sa liver transplant sa India

5 batang Manilenyo, isasailalim sa liver transplant sa India

272
0

MANILA, Philippines – IPINAHAYAG ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang paglalabas ng pondong P7,419,965 mula sa Special Health Fund upang gamitin sa gagawing liver transplants ng limang batang Manilenyo sa bansang India.

Nabatid na nasa apat na mga batang pasyente ay ooperahan sa Indraprastha Medical Corporation Ltd na ang bawat isa ay gagastusan ng $29,000 habang ang isa ay sa Max Healthcare Institute Limited na aabot sa $8,400 ang gastos.

Ayon sa alkalde, nakausap nito ang mga magulang ng mga batang pasyente kung saan sinabi nito na ang Pamahalaang Lungsod at Manila taxpayers ay nasa likod ng bawa’t pamilyang inihahanda ang kanilang anak na maisalba ang buhay sa gagawing operasyon sa ibang bansa.

Pinasalamatan naman ng mga magulang si Yorme lalu na’t ibinahagi sa kanila ng alkalde ang mga nauna na nilang natulungan na naging matagumpay ang operasyon kayat hinimok na umasang magtatagumpay din ang operasyon sa kani-kanilang anak.

Kasabay nito ay ibinahagi din ni Yorme na malapit-lapit na ring magsagawa ng liver transplants ang mga Pinoy surgeons upang sa kalaunan ay hindi na kailangang ipadala pa ang pasyente sa mga ospital sa ibang bansa tulad ng binisita niyang pasyente noong Nobyembre 18 na matagumpay na naisagawa ang pediatric liver transplant sa UP Philippine General Hospital (UP-PGH) na pinondohan niya ng P30 milyon mula sa donasyon ng mga may mapagkawang-gawa sa unang termino niya bilang alkalde. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here