Home METRO 5 durugistang inginuso timbog sa pot session sa Bulacan

5 durugistang inginuso timbog sa pot session sa Bulacan

57
0

BULACAN, Philippines – Arestado ng mga pulis ang limang indibiduwal matapos umanong maaktuhang humihigop ng iligal na droga sa lungsod ng Meycauayan nitong Mayo 16.

Sa ulat, nakatanggap ang Tactical Operations Center ng Meycauayan police station ng tawag mula sa isang concerned citizen na may nagaganap na pot session sa Onyx St. Brgy. Pandayan.

Dahil dito, agad rumesponde ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng istasyon sa nasabing lugar kaya naaresto ang mga hindi napangalanang mga suspek na aktong sumisipsip ng puting kristalinong substansya na hinihinalang shabu.

Nakumpiska sa operasyon ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na .47 gramo na may standard drug price na P3,196.00, bukas na sachet na may residue ng hinihinalang shabu, dalawang nakatiklop na aluminum foil na may residue, dalawang improvised aluminum foil pipes na may residue at dalawang disposable lighters.

Ang mga naarestong suspek, kabilang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa istasyon para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here