Home METRO 5 Duterte iprinoklama sa Davao City

5 Duterte iprinoklama sa Davao City

DAVAO CITY- Nanalo si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, apat pang Duterte, kasama ang Hugpong sa Tawong Lungsod Party candidates, sa midterm elections ngayong taon sa lugar na ito.

Iprinoklama silang nagwagi ng Board of Canvassers nitong Martes.

Nanalo ang si dating Pangulong Duterte sa mayoral race sa kabila ng kanyang detensyon sa The Hague sa the Netherlands, sa pagbabalik niya sa pwestong lampas dalawang dekada niyang hinawakan bago maupong Pangulo noong 2016.

Batay sa official records mula sa Commission on Elections-Davao City, nakakuha si dating Pangulong Duterte ng 662,630 total vptes.

Nakakuha naman ang katunggali niyang si Cabinet Secretary and lawyer Karlo Alexei Nograles ng 80,852 boto.

Gayundin, nanalo ang pinakabatang lalaking anak ni Duterte na si incumbent Mayor Sebastian Duterte, sa vice mayoral race sa 651,356 boto, tinalo si dating Vice Mayor Bernie Al-ag, na nakakuha lamang ng 78,893 boto.

Nananatili naman sa kanyang pwesto si Rep. Paolo Duterte sa first congressional district, nakakuha ng 203,557 boto, habang ang kanyang karibal na si Puwersa ng Bayaning Atleta party-list Rep. Margarita Ignacia “Migs” Nograles ay nakakuha lamang ng 49,186 boto.

Samantala, wagi si Omar Vincent Duterte, anak ni Rep. Duterte, sa pagka-kongresista ng second congressional district ng lungsod, kasalukuyang nasa ilalim ng pamumuno ni Rep. Vincent Garcia ng Lakas-CMD at ng Hugpong ng Pagbabago.

Nasungkit naman si Rodrigo “Rigo” Duterte II, anak din ni Rep. Duterte at katukayo ng Duterte patriarch, ang pwesto sa first district bilang konsehal. Posible siyang magsilbing acting vice mayor habang si Baste ay manunungkulan bilang acting mayor dahil wala ang nakatatandang Duterte.

Lahat ng walong konsehal ng sa tatlong congressional districts ng lungsod ay mula sa HTL, habang walang Marcos–supported candidate ang nakakuha ng pwesto sa Davao City. RNT/SA