Home METRO 5 iskul sa Pampanga, binulabog ng bomb threat

5 iskul sa Pampanga, binulabog ng bomb threat

350
0
(c) The Industrialist

SAN FERNANDO CITY, Pampanga – Itinuturing ng mga awtoridad na hoax o pekeng banta ang halos sabay-sabay na bomb threat sa limang paaralan sa Pampanga noong Lunes, Oktubre 6.

Ayon kay Col. Eugene Marcelo, hepe ng Pampanga Police, walang natagpuang anumang pampasabog sa mga campus ng Pampanga State University (Bacolor at Mexico), Pampanga Colleges (Macabebe), Holy Cross College (Sta. Ana), at Our Lady of Fatima University (San Fernando City).

Ang mga banta ay ipinadala sa mga pekeng social media account na nagbabala ng pagsabog sa pagitan ng alas-1 ng hapon at alas-6 ng gabi.

Dahil dito, agad na pinaalis ang mga estudyante bago nagsagawa ng inspeksyon ang mga pulis at bomb-sniffing dogs.

Inirekomenda ni Marcelo na magsagawa ng pagsasanay ang mga paaralan kung paano haharap sa ganitong mga sitwasyon, habang patuloy na inaalam ng cybercrime unit ang pinagmulan ng mga banta.

Kinabukasan, tumanggap din ng katulad na banta ang National University–SM Clark at University of the Assumption, ngunit idineklarang ligtas ang mga campus. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here