MANILA, Philippines – Nailigtas ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang limang menor de edad mula sa online sexual abuse at exploitation sa Ormoc City, Leyte.
Naaresto naman ang isang indibidwal sa dalawang magkasunod na operasyon sa nasabing lalawigan.
Nag-ugat ang kaso sa formal referral ng Department of Justice –Office of Cybercrime (DOJ-OOC) sa pmamagitan ng Philippine Internet Crimes Againts Children center (PICACC) para sa imbestigasyon at kaukulang legal na action.
Noong Agosto 26, nagtungo ang NBI-HTRAD sa Ormoc City at nagsagawa ng survellaince na nagresulta sa pagkakilanlan ng unang biktima na 15 anyos na iniulat na may 13 pagkakataon ng Child Sexual Abuse and Exploitation Materials na in-upload at ipinakalat sa messenger.
Ang komunikasyon at s apagitan ng isang JP Chase, 41 anyos mula sa Hartselle,Alabama,USA at isang Filipina na nakabase sa Ormoc City,Leyte na kalaunan ay napag-alamang ina ng biktima.
Nang matukoy ang lokasyon ng biktima, agad ikinasa ang rescue operation kinabukasan.
Ang pangalawang kaso ay nagsimula naman mula sa Google at Facebook na umanoy isang inidibwal ang sangkot sa online sexual abuse and exploitation of children kabilang ang possession , manufacture and distribution ng child sexual abuse and expoiltation materials (CSAEM).
Bunsod nito, binuo ng NBI-HTRAD at NBI-eastern Visayas Regional Offie (NBI-EVRO) ang operasyon sa koordinasyon ng DOJ-National Coordinatin Center for OSAEC at CSAEM (DOJ-NCC- OSAEC-CSAEM), kasama ang iba pang units at ahensya kugn saan nakumpiska ang mga mobile phones at nasagip ang mga biktimang menor de edad. Jocelyn Tabangcura-Domenden