Home METRO 5 parak sibak sa pwesto sa ninenok na P14-M sa Porac

5 parak sibak sa pwesto sa ninenok na P14-M sa Porac

275
0

MANILA, Philippines – Pansamantalang tinanggal mula sa kanilang tungkulin ang limang pulis na umano’y sangkot sa pagnanakaw ng P14 milyon mula sa isang bahay sa Porac, Pampanga noong Nobyembre 25.

Sapul sa CCTV footage ang limang armado na suspek na pinagbantaan ang mga residente at pinapasok sa comfort room bago tumakas na may dala-dalang pera.

“Nag-imbestiga tayo, tuloy-tuloy investigation natin. At base sa imbestigasyon, may mga ebidensya na nagli-link sa pulis,” ani Police Regional Office 3 director Police Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr.

Nabuo ang isang espesyal na task group, at isang anonymous na liham na naglalaman ng umano’y pangalan ng limang pulis ang dahilan ng kanilang pansamantalang pagpapalayas sa tungkulin.

Hindi pa isiniwalat ang kanilang mga pangalan, ngunit magsasampa ng kaso kapag nakalap na ang sapat na ebidensya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here