Home NATIONWIDE 5 Pinoy crew ng MV Transworld Navigator balik-Pinas na

5 Pinoy crew ng MV Transworld Navigator balik-Pinas na

MANILA, Philippines- Sinalubong ng Department of Migrant Workers ang limang Filipino seafarers mula sa MV Transworld Navigator sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City Linggo ng hapon.

Lumapag mula sa Emirates airline EK 332 ang mga marino nang salubungin nina DMW Secretary Hans Leo J. Cacdac kasama sina DMW Asst. Secretary for Sea-based OFW Concerns Jerome T. Pampolina at OWWA Deputy Administrator Honey Quin╠ło.

Ito ang unang batch ng 27 Filipino seafarers na sakay ng barko at inatake ng Houthi rebels noong nakaraang linggo habang dumaraan sa karagatan ng Gulf of Aden.

Tumanggap ng pinansyal at iba pang uri ng tulong mula sa gobyerno ang mga napauwing marino.

Naisakatuparan ang repatriation sa koordiansyon ng licensed manning agency at ang shipowner. Jocelyn Tabangcura-Domenden