MANILA, Philippines – Napilitang itapon ng mga magsasaka sa Benguet ang hanggang limang toneladang carrots dahil hindi ito naibenta kahit na ibinaba na ang presyo sa P3 kada kilo.
Sa Benguet Agri-Pinoy Center, sobra ang supply kaya libu-libong kilo ng carrots ang ibinigay nang libre sa mga residente ng Barangay Dominican Hill at Mirador Hill.
Ayon sa mga magsasaka, mas malaki ang lugi kung itatanim muli nila ito.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng Department of Agriculture ang sitwasyon pero wala pa silang pormal na pahayag.
Samantala, sinabi ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na bumagsak ang presyo ng carrots sa P3 hanggang P10 kada kilo dahil sa dami ng supply, at iminungkahi nilang humingi ng tulong sa Food Terminal Inc. para magkaroon ng tamang imbakan na makakatulong sa mga magsasaka. RNT