Home METRO 5 wanted person, huli sa manhunt ops sa Bataan

5 wanted person, huli sa manhunt ops sa Bataan

1
0

PAMPANGA, Philippines – Nahulog sa kamay ng mga awtoridad ang limang (5) indibidwal na pawang mga wanted person, kabilang sa mga ito isang Top 3 Most Wanted Person sa ikinasang serye ng manhunt operation ng pulisya sa Bataan.

Batay sa ulat ni Bataan Police Director Col Maritess Salvadora Kay Region 3 Police Director Brigadier General Jess Mendez.

Sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Korte, natunton at nadakip ang mga suspek sa bayan ng Hermosa, Orani at Balanga City, Bataan.

Ang mga naarestong suspek ay pawang mga wanted sa mga kaso ng krimen gaya ng Child abused Law, Qualified Theft at iligal na droga.

Nasa kustodiya na nang pulisya ang mga naarestong suspek para dokumentasyon at tamang disposisyon. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here