Home NATIONWIDE 50,096 pumasa sa August 2025 Career Service Exam — CSC

50,096 pumasa sa August 2025 Career Service Exam — CSC

320
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Civil Service Commission (CSC) na 50,096 katao ang pumasa sa Career Service Examination–Pen and Paper Test (CSE-PPT) na isinagawa noong Agosto 10, 2025.

Sa kabuuan, 45,730 ang pumasa sa Professional Level (15.14% passing rate) at 4,366 naman sa Subprofessional Level (14.73%).

“Ang pagpasa sa CSE ay mahalagang hakbang tungo sa karera sa serbisyo publiko,” ayon kay CSC Chairperson Marilyn B. Yap, na hinikayat ang mga pumasa na maglingkod sa pamahalaan.

Makikita na ang opisyal na listahan ng mga pumasa sa website ng CSC (www.csc.gov.ph
). Mula Oktubre 25, maaaring tingnan ng mga examinee ang kani-kanilang resulta sa pamamagitan ng OCSERGS, gamit ang kanilang Examinee Number.

Maaaring kunin ang Certificate of Eligibility (CoE) simula Nobyembre 18 sa CSC Regional o Field Office kung saan sila kumuha ng exam. Kailangan magprisinta ng valid ID.

Ang CSE-PPT ay kwalipikasyon para sa Career Service Eligibility, na kailangan sa mga permanenteng posisyon sa unang at ikalawang antas ng burukrasya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here