Home METRO 506 ligtas sa sumadsad na roro vessel

506 ligtas sa sumadsad na roro vessel

CEBU CITY, Philippines- Nasa 500 pasahero ang nasagip nang sumadsad ang isang roll-on-roll-off ferry malapit sa Port or Jagna sa Bohol, base sa mga awtoridad.

Tumugon ang Philippine Coast Guard in Central Visayas (PCG-7) sa isang distress call mula sa M/V Lite Ferry 5 noong Black Saturday, April 19.

Hindi umano nakaalis ang passenger vessel na patungong Cagayan de Oro City sa mababaw na katubigan sa Jagna Port ilang saglit matapos umalis.

“The vessel, en route to Cagayan de Oro, was maneuvering to depart when it drifted into shallow waters due to low tide, approximately 200 meters from the port,” ayon sa pahayag ni PCG-7.

Agad nagsagawa ang Coast Guard immediately ng rescue operations, kasama ang  Philippine Navy, Jagna Disaster Risk Reduction and Management Office, Bantay Dagat, at local fisherfolks matapos makatanggap ng ulat mula sa concerned citizens at beripikasyon mula sa crew ng barko.

Tumagal ito ng isang buong gabi.

Pagsapit ng Linggo ng umaga, natukoy na ligtas ang 506 pasahero at crew members na sakay nito, at dinala sila sa Port of Jagna.

Nagsagawa naman ang PCG officers ng initial inspections sa vessel at walang natukoy na internal hull damage.

“A full marine safety and environmental assessment is underway,” dagdag ng PCG-7. RNT/SA