Home NATIONWIDE 51 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Mayon

51 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Mayon

53
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng 51 volcanic earthquakes sa Bulkang Mayon sa Albay nitong Biyernes, Mayo 15, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Kabilang dito ang 30 volcanic tremors na tumagal ng dalawa hanggang 45 minuto.

Nagkaroon din ng 399 rockfalls at anim na pyroclastic density current (PDC) signals sa kaparehong panahon.

Dumaloy din ang lava mula sa crater pababa sa Basud (3.8 km), Bonga (3.2 km) at Mi-isi (1.6 km) gullies.

Namataan din ang episodic minor strombolian activity at maikling lava fountaining.

Patuloy din na nakikitaan ng crater glow ang Bulkang Mayon.

Nitong Biyernes, nagbuga ng 1,345 tonnes ng sulfur dioxide ang bulkan at katamtamang plumes.

Nananatili sa Alert Level 3 ang babala sa Bulkang Mayon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here