Home NATIONWIDE 52% ng Pinoy nais ng ‘fully empowered’ infra body – sarbey

52% ng Pinoy nais ng ‘fully empowered’ infra body – sarbey

200
0

MANILA, Philippines – MAHIGIT sa kalahati ng mga pinoy ang pabor na mabuo ang isang “fully empowered Independent Commission Against Infrastructure Corruption (ICAIC).”

Sa katunayan, lumabas sa “Ulat ng Bayan” Survey ng Pulse Asia na isinagawa mula Disyembre 12 hanggang 15 na 52% ng mga pinoy ang sumang-ayon na dapat na ang Kongreso ay “immediately” na maipasa ang batas ukol sa paglikha ng nasabing body, taliwas sa 33% na “somewhat agree” na madaliin na maisabatas ang batas at 15% naman ang hindi nakikita ang pangangailangan ng agarang maipasa ang batas.

Pagdating sa geographical areas, may 67% sa Metro Manila ang payag ng agarang maitatag ang ICAIC, kasunod ng 61% sa Visayas at 52% sa Luzon sa labas ng Maynila.

Ang mga tugon ay nahati sa Mindanao, na may 35% ang sumasang-ayon sa agarang paglikha ng ICAIC, 24% ang hindi sumasang-ayon at 41% ang undecided.

Pagdating naman sa social class, ang opinyon ay nahati sa Class C respondents, na may 40% ang sumasang-ayon, 20% ang hindi sumasang-ayon at 40% ang undecided.

Samantala, isinagawa ang survey na may face-to-face interviews sa 1,200 adults at mayroong margin of error na plus-o-minus 2.8%. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here