Home NATIONWIDE 52 paaralan ginawang Evacuation Centers dahil sa habagat, Maymay

52 paaralan ginawang Evacuation Centers dahil sa habagat, Maymay

2
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 52 paaralan sa limang rehiyon ang ginawang evacuation centers dahil sa pinagsamang epekto ng Bagyong Maymay at Habagat, ayon sa Department of Education (DepEd).

Ayon sa ulat ng DepEd nitong Lunes, apektado ang mga paaralan sa Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at Eastern Visayas.

Sa kabuuan, 239 silid-aralan ang ginagamit bilang evacuation centers at 1,057 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa mga ito.

Pinakamarami ang evacuees sa Calabarzon na may 614 pamilya, sinundan ng Central Luzon (336), Ilocos Region (54), Eastern Visayas (34), at Mimaropa (19).

Patuloy na mino-monitor ng DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) ang epekto ng Habagat sa Luzon at Visayas, lalo na sa mga lugar na may panganib ng malakas na ulan, baha, at landslide.

Inirekomenda rin ng DepEd ang pag-activate ng School Disaster Risk Reduction and Management teams, paghahanda ng mga contingency plan, pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at disaster response councils, at mahigpit na pagsubaybay sa mga ulat ng panahon.

Pinayuhan din ang mga paaralan na protektahan ang mga learning materials, kagamitan, at gusali, at maghanda ng emergency supplies at EduKahon resources para sa mga mag-aaral. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here