MANILA, Philippines – TINATAYANG 55% ng mga Pinoy ang mas gusto na nakabatay sa batas at ebidensya ang magiging hatol ng mga senador sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte bago pa magpasya ng mga senador bilang mga hukom ng impeachment trial, ayon sa pinakabagong non-commissioned survey mula sa OCTA Research.
Acquittal o conviction lang ang maaring pagpipilian na pasya ng mga senador bilang mga hukom ng impeachment trial.
Samantala, makikita sa July 2026 Tugon ng Masa (TNM) nationwide survey na ang “acquittal sentiment is concentrated in Mindanao and conviction leanings are strongest among the youngest and older-middle-aged Filipinos.”
“First, a clear majority of Filipinos say it is still too early to decide and that they need to see the evidence presented during the trial,” ang makikita pa rin sa survey.
Sinasabing 55% ang nasa posisyon na ito habang 21% naman ang mas gusto na ipawalang-sala ng mga Senate-judges si VP Sara at linisin ang pangalan ng Bise-Presidente mula sa mga kaso laban sa kanya, mayroon namang 17% ang pabor na hatulan siya at alisin mula sa tanggapan habang 7% naman ang walang opinyon o nananatiling undecided.
“The results suggest that there is currently no significant public mandate for either conviction or acquittal,” ayon sa OCTA Research.
“The results also suggest that most Filipinos are withholding judgment and place importance on the presentation and evaluation of evidence before a final decision is reached. Second, the preference to see the evidence first is broadly shared across geographic and demographic groups. This position leads in all four major geographic areas and across socioeconomic classes,” ang sinabi pa rin ng OCTA Research, idagdag pa na ang nangingibabaw na pananaw ay dapat ang hatol ay nakabase sa ebidensiya na ipinresinta o iniharap sa panahon ng paglilitis.
Ang isinagawang pag-aaral ng OCTA Research ay bahagi ng July 2026 Tugon ng Masa (TNM) nationwide survey nito kung saan isinasagawa ang fieldwork mula July 4 hanggang 11, 2026, gamit ang face-to-face interviews sa 1,200 respondents na may edad na 18 at pataas, lalaki at babae.
Ang survey ay mayroong margin of error na ±3% na may 95% confidence level nationwide, at ±6% para sa NCR, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao na may subnasyonal na mga pagtatantya, na may 95% confidence level.
Ang mga respondents para sa survey ay 1,200 registered voters (walang intensyon na bumoto kabilang na iyong mga undecided) nakapanayam sa pamamagitan ng face-to-face ukol sa kasalukuyang political, social, economic issues at maging sa personal at household information.
Ang evidence-first position leads sa NCR (56%), Balance Luzon (58%), Visayas (53%), at Mindanao (48%).
Nakapagtala naman ang Mindanao ng pinakamataas na ‘preference for acquittal’ na may 41%, habang nakapagtala na,an ang Balance Luzon ng pinakamataas na ‘support for conviction’ na may 22%.
Sa socioeconomic class, ang kaparehong posisyon ang nanguna sa hanay ng Class ABC (64%), Class D (54%), at Class E (50%). Ang Class E ay medyo mas malamang na paboran ang acquittal o pagpapawalang-sala na may 30%. KRIS JOSE