Home OPINION TRUCKERS UMIIYAK SA MALA-‘PAGONG’ NA PROSESO NG PTO RENEWAL

TRUCKERS UMIIYAK SA MALA-‘PAGONG’ NA PROSESO NG PTO RENEWAL

NAPAKAHALAGA ang ginagampanan ng truckers sa takbo ng  ekonomiya ng bansa lalo sa Pilipinas na itinuturing na mahirap dahil  kasama pa sa tinatawag na developing nation sa mundo.

Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ay kinikilala ang ‘valuable role’ ng truckers sa “nation building” kaya sa bawat problema ay nakaagapay  para matiyak na smooth ang hauling  operation ng   mga ito.

Batid ng lahat na ang mga truck ang nagsasakay at naghahatid sa dumarating na imported products sa iba’t ibang lugar at lokal na produkto patungo sa ibang bansa kaya tumatakbo’t nabubuhay ang ekonomiya ng Pilipinas.

Alam ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng trucking kaya alinsunod sa sinasabi niyang ‘ease of doing business’ ay nagpalabas  ito kamakailan ng direktiba laban sa kotongerong law enforcers na nagpapahirap sa mga trucker.

Ang Executive Order 41, inisyu ni PBBM ilang buwan na ang nakakaraan na nag-uutos  sa  lokal na pamahalaan na isantabi ang pinaiiral na traffic ordinance violation para sa maayos na daloy ng trucking operation.

Ang mga local ordinance kasi ay hindi nagagamit sa tamang adhikain ayon sa pagkaka-aprub nito sa konseho bagkus ay ginagawang dahilan ng mga traffic enforcer para makapangotong na ang mga biktima ay mga trucker.

Pero bukod sa problemang kotongan sa kalsada ay may problema din ang mga trucker sa loob ng Port Management Office, National Capital Region – North na dapat sigurong bigyang pansin ng Pangulo.

Maaring balewala lang sa mga namunumo ng PMO- NCR North pero malaking abala at problema ito ng mga trucker, na anila’y hindi tumutugon sa ‘ease of doing business’ na bukambibig at nais mangyari ni Pangulong Bongbong.

Maraming trucker ang ‘di makabiyahe, umiiyak na sa buwisit  dahil buwan na ang binilang ay ‘di pa  nakukuha ang kanilang Permit to Operate   renewal sanhi ng super bagal  at mala-pagong daw na proseso ng papeles sa PMO – NCR north.

Ayaw ni Philippine Ports Authority General Manager Atty. Jay Santiago at Department of Transportation and Communication Secretary  Jaime Bautista ang mga kawani na kung kumilos ay mabagal kaya dapat ay umayos  ang mga taga- PMO – NCR North.

Previous articlePONDO NG CHED SA MARALITANG MAG-AARAL, NAWAWALA?
Next articleLotto Draw Result as of | March 11, 2024