Home METRO 6-anyos hinigop ng swimming pool, utas

6-anyos hinigop ng swimming pool, utas

54
0

MANILA, Philippines – Isang anim na taong gulang na batang lalaki ang nalunod sa swimming pool ng isang resort sa Barangay Parina, Jiabong, Samar nitong Lunes, Mayo 18.

Kinilala ang biktima na si Kiel.

Ayon sa pulisya, abala ang pamilya ng bata sa pag-empake ng kanilang gamit sa resort nang humingi siya ng pahintulot sa kanyang kuya na si Athan na lumangoy.

Makalipas ang ilang sandali, napansin ni Athan na may nalulunod sa pool at agad niya itong inilabas, ngunit nadiskubre niyang ang kanyang kapatid pala ang biktima.

Isinugod ang bata sa Jiabong Rural Health Unit ngunit idineklara itong dead on arrival. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here