Home HOME BANNER STORY 6 dam nananatiling nasa kritikal na antas sa kabila ng pag-uulan —...

6 dam nananatiling nasa kritikal na antas sa kabila ng pag-uulan — PAGASA

60
0

MANILA, Philippines – Nananatiling nasa “critically low” level ang anim na pangunahing dam sa bansa sa kabila ng mga pag-ulan nitong mga nakaraang araw, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa state weather bureau, kabilang sa mga dam na nasa “critically low” level o mas mababa sa rule curve ang Angat, Ambuklao, San Roque, Pantabangan La Mesa, at Ipo dam.

Sinabi ni PAGASA Administrator Nathaniel Servando na hindi sapat ang mga pag-ulan upang mapataas ang water level ng mga dam dahil localized thunderstorms lamang ang naranasan sa ilang lugar.

“The lack of sufficient rainfall for the past weeks was the key factor in the decrease in the dams’ water levels. The recent rainfall is localized due to thunderstorms,” ani Servando.

Dagdag pa niya, epekto rin ng umiiral na mainit at tuyong panahon ang patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa mga reservoir.

“Rains are not enough to raise the water level in dams,” saad niya.

Sinabi rin ni Servando na maituturing ding nasa kritikal na antas ang La Mesa at Ipo dams dahil konektado ang mga ito sa Angat Dam.

Batay sa tala ng PAGASA nitong Huwebes, nasa 176.73 metro ang water level ng Angat Dam; 740.44 metro sa Ambuklao; 227.09 metro sa San Roque; 187.84 metro sa Pantabangan; 79.84 metro sa La Mesa; at 100.29 metro sa Ipo Dam.

Mas mababa ito sa normal water levels ng mga dam na 210 metro para sa Angat; 752 metro sa Ambuklao; 280 metro sa San Roque; 221 metro sa Pantabangan; 80.15 metro sa La Mesa; at 101.10 metro sa Ipo.

Ang Angat Dam ang nagsusuplay ng halos 98 porsiyento ng inuming tubig sa Metro Manila sa pamamagitan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here