Home METRO 6 estudyante, sugatan sa bumagsak na bubong ng entablado sa Albay

6 estudyante, sugatan sa bumagsak na bubong ng entablado sa Albay

282
0

LEGAZPI CITY — Anim na estudyante ang nasaktan matapos gumuho ang canopy ng entablado sa Peñaranda Park habang nag-eensayo para sa sayaw Sabado ng hapon.

Batay sa pulisya, nasa 40 estudyante ang nasa gitna ng ensayo bandang 5:50 p.m. nang biglang bumigay ang trapal na bumigat dahil sa naipong tubig ulan.

“Sa lakas ng ulan, napuno ng tubig ‘yung trapal… bumigat ang bubong at nag-crack ang bakal hanggang sa bumagsak,” paliwanag ni PLtCol. Domingo Tapel ng Legazpi Police.

Isa sa mga biktima ang nagtamo ng hiwa at kasalukuyang naka-confine sa ospital, habang ang lima naman ay nagtamo ng minor injuries.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad at ng BFP ang insidente para matiyak ang kaligtasan sa lugar. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here