Home NATIONWIDE 6 katawan narekober sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3; bilang ng...

6 katawan narekober sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3; bilang ng nasawi umakyat sa 51

192
0

MANILA, Philippines – Narekober ng Philippine Coast Guard (PCG) ang anim pang bangkay sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3 na nagdala sa kabuang bilang ng nasawi sa 51.

Natagpuan ang limang bangkay ng technical divers nang magsimulang sumisid alas 6 ng umaga sa lalim na 180 feet sa loob ng barko sa bahag ng unang desk ng economy accommodation area.

Samantala, isa pang bangkay ang narekober sa lalim na 187 feet sa loob din ng accommodation area ng lumubog na barko.

Agad na isinakay ang mga bangkay sa BRP Melchora Aquino (MRRV-9702) at inilipat sa BRP Capones (MRRV-4404) para dalhin sa Zamboanga City Port para sa pagkakakilanlan, kasabay ng koordinasyon sa mga lokal na opisyal ng sakuna.

Sinabi ni PCG Spokesperson Capt. Noemie Cayabyab na patuloy ang search at dive operations sa kabila ng malakas na underwater currents at hindi matatag na posisyon ng barko na natagpuang nakatago lider. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here