Home NATIONWIDE 6 PDL sa NegOcc pinalaya sa Bisperas ng Pasko

6 PDL sa NegOcc pinalaya sa Bisperas ng Pasko

256
0

MANILA, Philippines – Anim na persons deprived of liberty (PDL) sa probinsya ng Negros Occidental ang pinalaya sa bisperas ng Pasko.

Ang anim na PDL na pinalaya ay mula sa Negros Occidental District Jail Male Dormitory batay sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) na sakto sa selebrasyon ng Pasko sa kani-kanilang pamilya.

“Every month nagde-deliberate kami. Tinitingnan namin kung ilan yung eligible na PDL na pwedeng maka-avail. Technically, na-release sila sa good behavior. Magandang pamasko na rin,” pahayag ni JInsp. Rei John Luntok, assistant jail warden ng naturang male dormitory.

Sa probisyon ng Republic Act 10592, ibinibigay ang GCTA sa mga PDL na lumahok sa rehabilitation program, at nagpakita ng consistent na good behavior at sumusunod sa mga polisiya ng pasilidad. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here