MANILA, Philippines – Anim na kandidato sa pagka-senador noong 2025 midterm elections ang umano’y nakatanggap ng donasyon mula sa mga contractors, sinabi ng Commission on Elections nitong Miyerkules, Oktubre 23.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na nadiskubreng 26 contractors ang nagsilbing donors sa nagdaang halalan.
Hindi naman binanggit ni Garcia ang mga pangalan ng anim na senatorial candidates o ang mga contractors.
Gayunman, sinabi ni Garcia na kailangan pa rin ng Comelec na iberipika sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kung ang mga contractors ay mayroong proyekto sa gobyerno.
Sa ilalim ng Omnibus Election Code, ang mga contractors ay pinagbabawalang magbigay ng pondo sa mga kandidato. Jocelyn Tabangcura-Domenden