Naglunsad ng kilos-protesta ang may tinatayang 800 magbababoy sa harap ng Department of Agriculture (DA) bilang pasimula ng kanilang 3 -araw na “Pig Holiday” o tigil-benta ng baboy ng mga lokal na magbababoy sa bansa simula Oktubr 22 hanggang Oktubre 24, 2026.
Pinangunahan ni Representative Nicanor Briones ng Agricultural Sector Alliance of the Philippine (AGAP) Party-list ang kilos protesta ng mga hog raiser dahil umano sa malaking pagkalugi ng lokal na industriya ng pagbababoy bunsod ng patuloy na pagdagsa at pag-ikmport ng mas murang frozen at imported na baboy.
“Luging lugi na ang industriya ng pagbababoy dahil sa mga importasyon ng mga kaneng baboy mula sa ibang bansa” sinabi ni Briones.
Sinabi pa ni Briones na nagluluksa ang industriya ng baboy dahil sa unti unting pinapatay ang kanilang negosyo at marami sa kanila ay nagsara na dahil sa pagkalugi ng lokal na industriya ng baboy.
“Marami sa amin (nag-aalaga ng baboy) ay nalugi na at nagsipag sara na ng kanilang negosyo na nag-aalaga ng baboy” sabi pa ni Brioines.
Samantala sinabi naman ni Usec. Asis Perez ng Agriculture for Planning ng Department of Agriculture na irerekomenda ng ahensya ang 2 months or 60 days import ban ng mga imported pork bilang tugon sa kahilingan ng mga mga lokal na magbababoy na ipatigil ang pag-import ng mga imported na baboy.
Sinabi pa ng Department of Agriculture na agad na ipapatupad ang import ban ng mga karneng baboy sa Nobyembre ng kasalukuyang taon bilang tugon sa kahilingan ng mga local hog raiser.
Kaugnay nito sinabi ni Briones na 350 million piso ang nalulugi sa industriya ng local na magbababoy araw araw dahil sa pagpasok ng mga imported na baboy sa bansa at tutol sila sa dalawang (2) buwan na import ban na ipapatupad ng Department of Agriculture at ang kanilang nais at apat (4) na buwan na import ban.
“Dapat itigil ang importasyon ng mga imported na babouy at smuggling at ang talamak na pagpasok ng karne ng baboy sa bansa” dagdag pa ni Briones.
Nanawagan din si Briones sa pamahalaan na hindi solusyon ang importasyon ng baboy para pakainin ang mga Pilipino dahil sapat ang suplay ng baboy sa bansa para tugunan ang pangangailangan nito. (Santi Celario)