BOHOL, Philippines – Patay ang isang 61-anyos na driver matapos siyang masagasaan ng sarili niyang Isuzu closed van sa Barangay Cogon, Tagbilaran City, Bohol noong gabi ng Agosto 11.
Ayon sa pulisya, huminto ang biktima sa M. Chatto Drive upang tingnan ang unahang bahagi ng kanyang van. Habang nagsusuri, biglang umusad ang van na walang sakay at naipit ang driver.
Matapos siyang masagasaan, tumuloy ang van at bumangga sa isang traysikel at pagkatapos ay sa isang konkretong poste ng kuryente.
Dinala ang biktima sa Governor Celestino Gallares Memorial Medical Center, ngunit kalaunan ay idineklarang patay. RNT/MDS