Home LIFESTYLE HEALTH 65 bagong kaso ng dengue naitala sa Ilocos Norte

65 bagong kaso ng dengue naitala sa Ilocos Norte

1
0

ILOCOS NORTE, Philippines – Naitala sa Ilocos Norte ang 65 bagong kaso ng dengue mula Oktubre 11 hanggang 17 o morbidity week 42, ayon sa Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU).

Dahil dito, umabot na sa 2,777 ang kabuuang kaso ng dengue sa lalawigan mula Enero hanggang Oktubre 2026, kabilang ang apat na nasawi. Saklaw ng pinakahuling datos ang morbidity weeks 1 hanggang 42, ayon sa PESU nitong Huwebes, Oktubre 29.

Pinakamaraming bagong kaso ang naitala sa Laoag City na may 17, kaya umabot na sa 400 ang kabuuang kaso nito ngayong taon.

Hinimok ng mga awtoridad pangkalusugan ang mga residente na patuloy na sundin ang mga hakbang upang maiwasan ang dengue at mapigilan ang pagkalat ng sakit na nakukuha sa kagat ng lamok.

Kabilang dito ang pag-aalis ng naipong tubig na maaaring pamugaran ng lamok, pagpapanatiling malinis ng kapaligiran at pag-iingat laban sa kagat ng lamok.

Binigyang-diin ng pamahalaang panlalawigan ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na pagsasagawa ng mga hakbang na ito upang hindi na madagdagan ang mga kaso ng dengue. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here