Home METRO 65 ibat-ibang uri ng baril, bala narekober sa mga NPA

65 ibat-ibang uri ng baril, bala narekober sa mga NPA

398
0

RIZAL, Philippines – Iprinisinta ng 2nd Infantry Division ang mga nakumpiskang 65 ibat-ibang klase ng armas mula sa mga teroristang New Peoples Army  sa ginanap na  press conference kanina sa Camp Capinpin Tanay Rizal.

Kabilang sa mga narekober na armas sa naganap na engkuwentro noong nakalipas na September 2024 hanggang sa kasalukuyan sa Labo Camarines Norte, gayundin sa  ilang lugar sa lalawigan ng Quezon at Camarines Sur.

Samantalang, binigyan diin ng 2nd Infantry Division  na mapanatili ang kapayapaan kung saan kabilang sa nakiisa sa kanilang  operasyon ang 9th Infantry Division at Philippine National Police.

Kabilang sa narekober na mga armas ang improvised explosive devices, ibat-ibang uri ng matataas na kalibre at bala kung saan sa pamamagitan nang maigting na kampanya ng 2ID laban sa mga New Peoples Army ( NPA) ay nagmistulang unti – unting nagpapahina sa grupo ng mga terorista.

Bukod dito, noong nakalipas na December 16 ang matagumpay na operasyon ng 2ID sa Barangay Exciban Labo Camarines Norte, samantalang sa huling isinagawang operasyon, matapos na maka-engkuwentro at marekober ang .50 caliber machine gun na iniuugnay sa isinagawang pagsalakay ng nasa 50 mga teroristang NPA noong nakalipas na taong 2003 sa tanggapan ng Philippine Coast Guard at sasakyan pandagat  ng Philippine Navy, sa Barangay Ungos Real Quezon na ikinasawi ng isang opisyal ng Philippine Coast Guard at miyembro ng Philippine Navy kung saan lima ang naiulat na sugatan.

Ayon kay Col. Carandang pinasasalamatan nito ang patuloy na kooperasyon at tiwala ng mamamayan  na masugpo ang mga terorista upang  maprotektahan ang komunidad para sa  kapayapaan ng publiko.

Binigyan diin naman ni Major General Zagala ang mga nabawing mga armas ay makikita ang patuloy na maayos at disiplina sa kanilang trabaho, bukod dito ang matibay na koordinasyon sa mga ahensya na nagpapatupad ng batas at suporta ng komunidad na mapanatili ang kanilang seguridad at kapayapaan.

Sa patuloy na pakikipag-ugnayan nang magkasanib na operasyon  at kolaborasyon ng mga stakeholder ay pinagtitibay ng 2nd Infantry  “Jungle Fighter” Division ang tiwala ng mamamayan na mapanatili ang maayos at kapayapaan sa buong lalawigan ng Timog Luzon. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here