Home METRO 6K trabaho alok sa Navotas Mega Job Fair

6K trabaho alok sa Navotas Mega Job Fair

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-17 na anibersaryo ng cityhood ng lungsod Navotas ay nagsagawa ng Mega Job Fair, na inorganisa ng Public Employment Service Office (PESO), katuwang ang 50 companies na nag-aalok ng mahigit sa 6,000 trabaho sa ibat-ibang kumpanya. Kung saan ay binati ni Mayor John Rey Tiangco ang lahat ng aplikante lalo na ang mga hired on the spot at pinayuhan na pagbutihin ang trabaho na kanilang mapapasukan. Jojo Rabulan