BULACAN, Philippines – Arestado ang pitong indibiduwal habang nasa P40,800.00 halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa drug den sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM) nitong Oktubre 17.
Sa ulat, ikinasa ang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bulacan Provincial Office at PNP Provincial Intelligence Team-Bulacan bandang 10:20 ng gabi sa Brgy. Minuyan Proper.
Ayon sa ulat, kiinilala ang mga suspek sa mga alyas na Loloy, 49, Dave, 28, Rody, 49, Mike, 35, Berong, 36, Jer, 37 at Dante, 37.
Nabatid na nasamsam sa binuwag na drug den ang nasa anim na gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P40,800.00, assorted drug paraphernalia, mobile phone at buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Dick Mirasol III)