Home METRO 7 mobile birth registration vehicles, ibinigay ng Japan sa pagpapalakas ng digital...

7 mobile birth registration vehicles, ibinigay ng Japan sa pagpapalakas ng digital birth registration sa BARMM

287
0

MANILA, Philippines – Nag-turn over ang Japan nitong Biyernes ng pitong mobile birth registration vehicles at advocacy materials sa Ministry of Social Services and Development (MSSD) para palakasin ang digital birth registration para sa mga populasyong nanganganib mawalan ng legal identity sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Pinangunahan ni Japanese Minister for Economic Affairs Naobumi Yokota at MSSD Minister Raissa Jajurie ang seremonyal na turnover. Ang mga ito ay bahagi ng nagpapatuloy na proyekto sa rehiyon.

Nauna nang nagbigay ang Japan ng 858 milyong Japanese yen (humigit-kumulang USD 5.5 milyon) para suportahan ang “Project for Promoting Digital Birth Registration of Populations at Risk of Statelessness in BARMM,” na isinasagawa ng United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) sa loob ng 30 buwan.

Layunin ng proyekto na mas mapadali ang birth registration ng Sama Bajaus, mga batang naapektuhan ng sapilitang paglikas, at mga dating combatants at kanilang pamilya. Tinatayang 130,000 na hindi pa rehistradong tao ang direktang makikinabang, habang hanggang 800,000 ang inaasahang makikinabang nang hindi direkta sa susunod na sampung taon.

Sa turnover ceremony, ibinigay ng mga opisyal ang pitong mobile registration caravan vehicles sa MSSD para makatulong sa pag-abot sa malalayong komunidad. Namigay din sila ng advocacy kits sa youth networks mula Lanao del Sur na mangunguna sa birth registration awareness sa kanilang mga lugar.

Habang naghahanda ang Pilipinas at Japan para sa 70th anniversary ng kanilang diplomatic friendship sa 2026, muling tiniyak ni Yokota ang suporta ng Japan sa inclusive development ng Bangsamoro.

“As we move forward, let us continue to work hand in hand to ensure that no Bangsamoro man, woman, or child is left behind on the journey toward peace and progress,” sabi niya.

Ipinakita ng seremonya ang patuloy na pagtutulungan ng pamahalaan ng Pilipinas, BARMM ministries, at international partners para palakasin ang civil registration systems at matiyak na ang mga vulnerable na populasyon ay magkaroon ng legal identity at access sa mahahalagang serbisyo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here