Home METRO 7 natatanging indibidwal tumanggap ng ‘Quezon Medalya ng Karangalan’ award

7 natatanging indibidwal tumanggap ng ‘Quezon Medalya ng Karangalan’ award

PITONG natatanging indibidwal ang napili upang tumanggap ng kauna-unahang ‘Quezon Medalya ng Karangalan’ na inilunsad ng Panlalawigang Pamahalaan ng Quezon.

Ang ‘Quezon Medalya ng Karangalan (“QMK”) Awards’ ay ipagkakaloob upang gunitain anb buhay at gawa ng yumaong Pangulong Manuel Luis Quezon.

Kabilang sa tumanggap mg karangalan ay sina
Nilo Belarmino Alcala II ng Lucena City para sa Culture, Music, and the Arts; retired PGEN Dionardo Carlos, Lucena City – Public Service; at Gen. Dennis Estrella – Gumaca – Public Service.

Habang sa Special Achievement award ay sina
Cris Nievares – Atimonan – Sports; Jeffrey Dimailig – Education; Dr. Marco Antonio Rodas – Atimonan – Culture, Music, and the Arts; at Gregorio Racelis – Education

Ang nabanggit na karangalan ay ibinibigay sa mga indibidwal na nagbigay ng natatanging ambag sa Public Services; Health and Science; Humanities and Philanthropy; Agriculture; Environment; Education; Sports; at Culture, Music, and the Arts.

Ang Quezon Gintong Medalya ng Karangalan Life Achievement Award ay ipinagkakaloob sa isang indibidwal na nagpakita ng natatanging katangian at kabutihan ng dating Pangulong kabilang dito ang katapatan sa bansa, patriotismo kabayanihan, katapangan, masunurin sa batas, katapatan at pagkamakatotohanan, naniniwala sa katarungang panlipunan.

Ang Quezon ng Medalya ay isang award-giving body na responsable sa malalimang pagsasala ng mga nominado para sa Quezon Medalya ng Karangalan Award .

Ito ay binubuo ng QMK Secretariat at miyembro na kumakatawan sa iba’t-ibang sektor labilang dito sina Frederick Villa,
Presidente ng Southern Luzon State; Ma. Nova Veluz na may-ari ng Buddy’s Restaurants; Rafael Tantuco; Maritess J. Balquera ng Rotary Sariaya at Manager ng Radyo Pilipinas Lucena.

Habang sa NGOs sector ay sina Alyssa Lucelle E. Reynales; Leonardo da Vinci International Art Prize Awardee; Dr. Raynell A. Inojosa – OIC Section Head & Senior Science Research Specialist, Philippine Space Agency

Samantala, ang Lupon ng Medalya ng Karangalan ay binubuo nina PD. Abigail N. Andres, CESO V DILG Quezon Province (Government Sector) CHAIRPERSON – QMK 2024. RNT