Home HOME BANNER STORY 7 patay, 13 sugatan sa humarurot na pampasaherong van sa Zamboanga

7 patay, 13 sugatan sa humarurot na pampasaherong van sa Zamboanga

1
0

MANILA, Philippines – Pitong indibidwal ang nasawi habang 13 ang sugatan matapos na banggain ng pampasaherong van ang tatlong sasakyan sa Dumalinao, Zamboanga del Sur nitog Martes, Setyembre 1.

Sa ulat, limang pasahero sa van ang namatay on the spot, habang ang isa pang biktima na sakay ng motorsiklo ay namatay din.

Nadala pa sa ospital ang pasahero ng sidecar ng motorsiklo ngunit binawian din ng buhay.

“Allegedly, nawalan ng brake ‘yung van and then, una niyang nabangga ay isang motor and then ang motor na iyun ay may dalawang sakay. So after ng motor, nabangga niya naman ang isang wing van na truck na naka-park sa gilid ng kalsada. Luckily, walang sakay ‘yung van na iyun dahil bumaba ‘yung driver at kanyang pahinante. Pangatlo niyang nabangga is motorcycle na may sidecar,” sinabi ni Police Regional Office 9 spokesperson P/Maj. Shellamie Chang sa panayam ng GMA News.

Ang van ay nagmula sa Ipil, Zamboanga Sibugay at patungo sa Pagadian City.

Wasak ang van sa nangyaring insidente at nagkalat sa kalsada ang katawan ng mga biktima at gamit ng mga ito.

Nakikipag-ugnayan na sa pulisya ang may-ari ng van.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang local government unit ng Dumalinao sa mga biktima. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here