Home NATIONWIDE 7 South Korean arestado sa pagpapatakbo ng mini-POGO sa Angeles City, Pampanga

7 South Korean arestado sa pagpapatakbo ng mini-POGO sa Angeles City, Pampanga

298
0

PAMPANGA, Philippines – Kamakailan ay inaresto ang pitong South Korean nationals matapos maaktuhang nagpapatakbo ng ilegal na offshore gaming operations sa isang condominium unit sa loob ng Clark Freeport Zone sa Angeles City, Pampanga.

Sinabi ng Bureau of Immigration na ang pag-aresto sa mga dayuhan noong Oktubre 13 ay isinagawa sa pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng South Korea, Philippine Air Force, at Clark Development Corporation.

Sa isang pahayag, pinuri ni BI commissioner Joel Anthony Viado ang pag-aresto at nangakong ipagpapatuloy nila ang patuloy at pinaigting na operasyon nito laban sa mga ilegal na offshore gaming operations na kinasasangkutan ng mga dayuhan.

“The directive of the President is clear. We will not allow foreign nationals to continue online gaming activities in the Philippines. Those who insist on doing so will be arrested and deported,” aniya.

Lumalabas sa inisyal na pag-verify na isa sa mga suspek ay pinaghahanap na ng BI mula noong Enero ng taong ito dahil sa hindi pag-alis ng bansa kahit na ipinagbawal na ang mga offshore gaming operations ng Pilipinas.

Ang mga naarestong dayuhan ay inilipat sa BI’s detention facility sa Taguig City kung saan sila mananatili sa panahon ng deportation proceedings. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here