Home METRO 7 Tsino arestado sa iligal na pagmimina sa Bukidnon

7 Tsino arestado sa iligal na pagmimina sa Bukidnon

191
0

MANILA, Philippines – Pitong Chinese nationals ang naaresto dahil sa umano’y illegal na pagmimina sa Libona, Bukidnon, ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) noong Miyerkules.

Pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang raid sa lugar noong Martes, Pebrero 9, kung saan natuklasan ang malaking underground tunnel na ginagamit sa pagkuha ng mineral, pati na rin ang mga mabibigat na kagamitan gaya ng dump trucks, backhoes, malalaking generator set, at processing plants.

Nakuha rin ng mga awtoridad ang commercial explosives na walang permit at copper ore.

Binigyang-diin ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez na nananatiling committed ang pulisya sa pagprotekta sa mga komunidad at likas na yaman, at tiniyak na pananagutin ang mga lumalabag sa batas. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here