Home HOME BANNER STORY 7 utas sa banggaan ng SUV at traysikel sa Batangas; 2-anyos nakaligtas

7 utas sa banggaan ng SUV at traysikel sa Batangas; 2-anyos nakaligtas

1
0

SAN JUAN, Batangas — Pitong katao ang nasawi habang isang dalawang taong gulang na bata ang nakaligtas matapos salpukin ng isang sport utility vehicle (SUV) ang isang traysikel sa kahabaan ng national highway sa Barangay Abung, San Juan, Batangas nitong Huwebes.

Batay sa imbestigasyon, bigla umanong nag-counterflow ang SUV at bumangga nang harapan sa isang fully loaded na traysikel.

Sa lakas ng banggaan, tumilapon ang ilang pasahero ng traysikel sa kalsada at ang ilan sa kanila ay nasagasaan pa ng coaster bus na nasa likuran ng SUV.

“The SUV hit the tricycle along with its passengers. Incidentally, the passengers who were thrown off were then run over by an oncoming bus,” ayon kay San Juan police chief Police Lieutenant Colonel Crispin Banes.

Tuluyang nawasak ang traysikel dahil sa matinding pinsala mula sa banggaan.

Lima sa mga biktima ang idineklarang dead on arrival sa ospital habang dalawa pa ang kalaunang nasawi habang ginagamot.

Isang dalawang taong gulang na bata lamang ang nakaligtas at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang babaeng nagmamaneho ng SUV at haharap sa maraming kaso. Magsasampa rin ng kaukulang kaso laban sa driver ng coaster bus. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here