Home NATIONWIDE 70 pamilya inilikas sa Taytay, Rizal sa malalakas na ulan

70 pamilya inilikas sa Taytay, Rizal sa malalakas na ulan

1
0

MANILA, Philippines – Umabot sa 70 pamilya o 240 indibidwal mula sa ilang barangay sa Taytay, Rizal ang inilikas dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng habagat.

Ayon sa Municipal Public Information Office, isinagawa ang preemptive evacuation sa mga residente mula sa barangay Muzon, Dolores at San Juan hanggang alas-1 ng hapon nitong Sabado, Agosto 8.

Hinimok ng lokal na pamahalaan ang mga residente sa mabababang lugar at mga komunidad na madaling bahain na agad gumawa ng kinakailangang hakbang para sa kanilang kaligtasan.

“Do not wait for the situation to worsen before evacuating. Put the safety of your family first, especially children, senior citizens, pregnant women, persons with disabilities (PWDs), and those with medical conditions,” ayon sa PIO.

Patuloy namang mino-monitor ng lokal na pamahalaan ang lagay ng panahon at pagtaas ng tubig sa mga lugar na apektado ng walang tigil na pag-ulan.

Nakaalerto rin ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at iba pang kinauukulang tanggapan upang agad na tumugon sa pangangailangan ng mga residenteng apektado ng pagbaha.

Muling pinaalalahanan ang publiko na manatiling alerto, sumunod sa mga opisyal na abiso at lumikas agad sakaling maging delikado ang sitwasyon sa kanilang lugar. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here