MANILA, Philippines – Nakapagdeklara na ng 70 senatorial aspirants bilang ‘nuisance candidates’ ang first at second division ng Commission on Elections (Comelec).
Ang second batch ng pangalan ay ilalabas sa Facebook page ng Comelec.
Para sa resolusyon ay 47 pang motu proprio na mga kaso para magdeklara ng mga kandidatong panggulo.
Nauna nang inirekomenda ng law department ng poll body na ideklara ang 117 aspirants para sa posisyon ng senador bilang istorbo.
Nauna nang sinabi ni Comelec chairman George Garcia na maaari pa ring maka-avail ng legal remedy ang mga aspirants sa pamamagitan ng paghahain ng motion for reconsideration sa Comelec en banc.
Idineklara ng Comelec 1st Division bilang nuisance candidates sina Primo Puso Aquino, Berteni Causing, at Alice Jumalon.
Idineklara ang nuisance bets ng Comelec 2nd Division: Miranda Cadion, Melissa Fortes, Deviendo Biazon, Epifanio Perez, Phil delos Reyes, Luther Meniano, Najar Salih, Vicente Domingo, Roel Lamoste, Fernando Manlangit, Edgardo Duque, Subair Mustapha, Artemio Maquiso, Robert Tagean, Robert Agad, James Reyes Jr., Jaime Balmas, Jose Bunilla, Eulogio Partosa, at Bethsaida Lopez. Jocelyn Tabangcura-Domenden