Home NATIONWIDE 70,000 pekeng job post at socmed accounts pinaalis ng DMW

70,000 pekeng job post at socmed accounts pinaalis ng DMW

MANILA, Philippines – Inalis na at na-deactivate ang 70,000 pekeng job postings at accounts sa social media na sangkot umano sa illegal recruitment, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Sa Kapihan sa Manila Hotel, muling nagbabala si Migrant secretary Leo Hans Cacdac laban sa illegal recruiters at sindikato na kumakalat sa social media platforms tulad ng Facebook at Tiktok.

Ayon kay Cacdac, sa pakikipagtulungan ng DMW sa Meta Philippine at Tiktok Philippines ay tinanggal na ang nasabing mga job posting online.

Ibinahabi ng kalihim na ang nasabing entities ay nagpapanggap na mga recruitment agencies sa pamamagitan ng pag-duplicate sa opisyal Facebook page ng DMW-licensed agencies upang makapanloko ng aplikante.

Ang DMW, sa pakikipagtulungan ng Meta Philippines at TikTok Philippines, ay tinanggal at na-deactivate ang kabuuang 71,653 pekeng job posting at accounts noong 2024, kabilang ang 50,220 kahina-hinalang post sa Facebook at 21,433 sa TikTok.

Ibinagabi ng kalihim na ang nasabing entities ay nagpapanggap na recruitment agencies sa pamamagitan ng pag-duplicate sa opisyal na Facebook page ng DMW-licensed agencies upang makapanloko ng aplikante.

Ang DMW, sa pamamagitan ng Migrant Worker Protection Bureau (MWPB), ay nakikipagtulungan din sa concerned government agencies, local government units, at key social partnes para bigyang kapangyarihan ang mga OFW at magiging OFWs, gayundin para palakasin ang pagsubaybay at pagpigil nito sa mga illegal recruitment scheme.

Hinikayat din ang Filipino overseas job seekers na maging mas maingat laban sa mga kahina-hinalang alok ng trabho sa social media at palaging i-verify ang pagiging lehitimo ng kanilang mga gustong ahensya upang maiwasang mabiktima ng internet-related modus ng mga illegal recruiter na ito.

Hinikayat din ng DMW ang publiko na agad ireport ang anumang kanina-hinalang recruitment activities online sa DMW Migrant Workers Protection Bureau sa pamamagitan ng kanilang Facebook page sa https://www.facebook. com/dmwairtip/, email sa [email protected] o sa kanilang hotline number +63 2 8721-0619 para sa legal assistance. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)