Manila, Philippines – Napakarami sa hanay ng showbiz ang nagla-like at nagko-comment sa mga posts patungkol sa ilang senador na identified kay dating PRRD.
Wala na nga silang kinatatakutan, mailabas lang nila ang mga nanggigigil nilang damdamin.
Sa totoo lang, ikinatutuwa ito ng mas nakakarami dahil “woke” na ang mga taga-showbiz.
Kunsabagay, what will stop them from saying things lalo’t they raising valid points?
Isa na nga si Pokwang who speaks her mind.
Nakisali nga ang komedyana sa exchange of posts between direk Erik Matti and direk Lino Cayetano.
Biglang sumingit si Pokwang, na matindi ang banat sa mga senador na kabilang sa mayorya.
Partikular kasing pinaksa ng dalawang direktor ang magkakasunod na drama sa Senado.
Ano nga naman ang panama ng mga eksena sa pelikula?
Kaso, may nasilip na butas ang dalawang direktor–hindi pasado ang akting ng ilang senador dahil hindi sila dumaan sa acting workshop.
Hirit ni Pokwang: “True, kahit pirated, ‘di bibilhin ng mga nag-iisip ang drama ng ilang gunggong na ‘yan. Hahaha!”