Home NATIONWIDE 750K ‘food poor’ families irerehistro sa Walang Gutom Program sa 2026

750K ‘food poor’ families irerehistro sa Walang Gutom Program sa 2026

295
0

MANILA, Philippines – Target irehistro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kabuuang 750,000 food-poor families para sa Walang Gutom Program (WGP) sa susunod na taon.

“Right now, we’re currently serving 300,000 households, and then before the end of the year, we’re planning to add an additional 300,000, and then by next year, 150,000,” pahayag ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao sa panayam ng DZBB nitong Sabado, Hulyo 12.

“Kinakailangan po natin mag-register ng karagdagan sa taon po na ito,” dagdag ni Dumlao.

Aniya, ang 750,000 pamilya ay ibabase sa listahan mula sa DSWD at Philippine Statistics Authority (PSA).

Kasalukuyang ipinapatupad ang Walang Gutom Program (WGP), na nag-aalok ng P20 kada kilong bigas, sa Metro Manila, Cebu, at CARAGA region.

Nakatakda ring bigyan ng prayoridad ang mga mahihirap na pamilya sa BARMM.

“Actually, bibigyan din sila ng prayoridad, Isinaayos lang ‘yung specific areas, tapos ‘yung number, and then tinignan din sino-sino ‘yung accredited merchants. And then based naman po doon sa ating pakikipag-usap sa DA, bibilisan po na ‘yung pag-supply doon sa bigas, doon sa ating mga merchants para ma-implement na po natin,” ani Dumlao.

Ang mga benepisyaryo ng programa ay maaaring makabili ng P20 kada kilong bigas gamit ang kanilang electronic benefit transfer (EBT) card, na kapareho ng isang debit card na kargado ng P3,000 kada buwan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here