Home IN PHOTOS 76 pamilyang nasunugan sa Sta. Cruz, Maynila, inayudahan ni Sen. Go

76 pamilyang nasunugan sa Sta. Cruz, Maynila, inayudahan ni Sen. Go

MANILA, Philippines – Personal na binisita ni Senator Bong Go ang mga residenteng nasunogan sa Barangay 330 sa Sta. Cruz, Maynila nitong Miyerkules ng hapon, Hulyo 10.

Sa pamamagitan ng Emergency Housing Program o EHAP ng senador, pinagkalooban ng cash assistance ang mga nasunugan na binubuo 76 pamilya na matiyagang naghintay sa Antonio Regidor Elementary School.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng senador ang kahalagahan ng kaligtasan sa tuwing may sunog at binigyang-diin na ang buhay ay hindi maibabalik pa ngunit ang mga ari-arian o kagamitan ay kaya pang palitan.

Nagbigay din ng pag-asa si Senator Go sa mga apektadong pamilya at ipinaalala na habang may buhay — ay may pag-asa.

“Sa mga nasunugan, ‘wag kayong mag-alala. Ang importante buhay tayo, ang importante magtulungan tayo. Ang gamit atin ‘yang malalabhan. Ang pera ating kikitain ‘yan. Pero ang perang kikitain ay hindi mabibili ang buhay”, ito ang madalas na mensahge ng senado sa kanyang pag-iikot tuwing may nasusunugan.

Hindi lamang cash assistance ang ibinahagi ng senador kundi may inihanda ring mga groceries na maaring pagsalu-saluhan ng bawat pamilyang nasunugan.

Hindi naman nagpa-unlak na ng panayam ang senador dahil ito ay nakatuon sa pagtulong at pagbibigay ayuda sa mga apektadong residente na nasunugan pa noong Feb.15 ng taong kasalukuyan upang sila ay muling makabangon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)