MANILA, Philippines – May kabuuang 790 litro ng oil-water mixture at limang sako ng oil-contaminated debris ang nakolekta mula sa grounded MV Mirola 1 sa Bataan, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Lunes.
“As of today, 05 August 2024, the PCG recovered 790 liters of oil-water mixture and five sacks of contaminated oil debris using absorbent pads,” sabi ng PCG.
Patuloy na nagsasagawa ang PCG ng oil recovery at containment operations. Binabantayan din ang oil spill booms sa mga concerned area.
Noong Huwebes, nagsimula ang oil recovery operations para sa MV Mirola 1, na sumadsad sa katubigan ng Sitio Quiapo, Barangay Biaan, Mariveles, Bataan noong Hulyo 31.
Bukod sa MV Mirola 1, tumutugon din ang PCG sa oil spill mula sa MTKR Terranova na may 1.4 milyong litro ng industrial fuel oil at MTKR Jason Bradley na may 5,500 litro ng diesel.
Ang mga inisyal na capping ay tinatakan ang mga balbula ng MTKR Terranova ngunit ang pagkakaroon ng napakanipis na oil sheen ay naobserbahan pa rin sa ground zero, ayon sa PCG.
Ang oil spill booms ay nire-reposition at pinapanatili pa rin upang makontrol ang pagtagas, dagdag ng PCG.
Ang inisyal na capping bags sa balbula ng motor tanker ay papalitan ng metal caps upang maiwasan ang “disastrous oil spill” sa pagsasagawa ng shiphoning operation.
Ayon sa PCG, tatagal ng pitong araw ang paggawa ng metal cappings at ang pagkakabit nito ay tatagal din ng panibagong pitong araw.
“This week, the earlier attached seals made of special canvass capping bags will be replaced with a new set to avoid undue risks from wear and tear from its exposure to oil,” sabi ni PCG commandant Admiral Ronnie Gil Gavan .
Matapos ang pagappalit ng metal cappings, ang siphoning operation ay sisimulan na.
Sa 1.4 milyong litro ng industrial oil , 300,000 litro ang kailangang masipsip para lumutang ang MTKR Terranova. Aabot ito ng hanggang pitong araw, sabi ng PCG.
Samantala, ang PCG at ang nakakontratang salvor na FES Challenger Salvour and Builders ay nagpapatuloy sa kanilang mga operasyon sa pagsagip para sa MTKR Jason Bradley.
Naghahanda ang mga diver para sa pagpasok ng pipe sa pamamagitan ng paglilinis ng mga debris.
Inihahanda rin ang equipment at personnel sa site at ang operational base ay ise-set up ayon sa PCG.
Noong Hulyo 27, lumubog din sa karagatan ng Brgy.Cabcaben.Marivekes ,Bataan ang MTKR Jason Bradley.
Umabot na sa P1 bilyon ang tinatayang halaga ng pinsala dahil sa oil spill na nakakaparkto sa lugar ng Cavite , ayon sa provincial government nitong Sabado.
Idineklara rin ang state of calamity sa siyam na coastal local government units sa Cavite dahil sa oil spill incident mula sa lumubog na motor tanker Terranova sa Bataan, ayon sa Office Civil Defense Calabarzon.
Nagpatupad ng “’No catch” at “no sell zone” sa mga kinauukulang lugar.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)