Home METRO 8 baybayin sa Samar positibo sa red tide

8 baybayin sa Samar positibo sa red tide

98
0

SINABI ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na hindi bababa sa walong (8) bay sa Samar Island ang positibo sa toxic red tide batay sa pinakahuling seawater sampling, kung saan ang ilang bahagi ng dagat ay nagpapakita ng red discoloration.

Sa advisory na inilabas, sinabi ng BFAR na may nakitang red tides sa tubig-dagat ng Daram Island; Isla ng Zumarraga; Maqueda Bay sa mga bayan ng Jiabong, Motiong, Paranas, San Sebastian, Calbiga, Pinabacdao, at Hinabangan; Cambatutay Bay sa Tarangnan; at Irongirong Bay sa Catbalogan City.

Nabatid pa sa ulat na ang iba pang mga baybayin na apektado ng red tide ay ang baybayin ng Guiuan sa Eastern Samar; Matarinao Bay sa mga bayan ng General MacArthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo, sa Eastern Samar; at ang baybaying tubig ng Calbayog City sa Samar.

“Sa kasalukuyan, may nakitang red discoloration sa Samar Sea. Ayon sa pagsusuri ng tubig-dagat na kinuha sa lugar na ito, mayroong Pyrodinium Bahamense, isang nakakalason na microorganism na nagdudulot ng paralytic shellfish poisoning (PSP),” dagdag pa ng BFAR.

Samantala mahigpit na pinapayuhan ang lahat na huwag mangolekta, magbenta, o kumain ng anumang uri ng shellfish, kabilang ang maliliit na hipon mula sa Samar Sea, sinabi ng advisory.

Regular na naglalabas ng advisory ang fisheries bureau kasunod ng mga ulat na may ilang indibidwal ang nagkasakit matapos kumain ng sardinas mula sa Samar Sea. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here