CHINA – Walo katao ang nasawi dahil sa sunog na sumiklab sa palengke ng gulay sa northern China nitong Sabado, Enero 4.
Bukod dito ay mayroong 15 pa ang nasugatan.
“The injured have been sent to hospital for treatment and are currently not in life-threatening danger,” pahayag ng Qiaoxi District People Government matapos na sumiklab ang sunog sa Zhangjiakou city, hilagang kanluran ng Beijing.
Ang sunog ay sumiklab sa Liguang Market bandang alas-8:40 ng umaga at naapula alas-10 ng umaga.