Home NATIONWIDE 82 barko ng China namataan sa WPS nitong Mayo — AFP

82 barko ng China namataan sa WPS nitong Mayo — AFP

20
0

MANILA, Philippines — Umabot sa 82 barko ng China ang namonitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga pangunahing bahagi ng West Philippine Sea (WPS) mula Mayo 1 hanggang 31, mas mataas kumpara sa 62 sasakyang-pandagat na naitala noong Abril.

Ayon kay AFP spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, kabilang sa mga namataang sasakyang-pandagat ang mga barko ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) at China Coast Guard (CCG).

Pinakamaraming barko ang naitala sa Bajo de Masinloc na may 39 na sasakyang-pandagat, kabilang ang 16 PLAN at 23 CCG vessels. Sinundan ito ng Ayungin Shoal na may 17 barko, Pag-asa Islands na may 16, at Escoda Shoal na may 10.

“These figures underscore the continued conduct of [illegal, coercive, aggressive and deceptive] activities that undermine the rules-based international order and challenge the Philippines’ sovereign rights and jurisdiction within its maritime domain,” ani Trinidad.

“Such actions contribute to regional tensions and highlight the importance of continued vigilance and adherence to international law,” dagdag niya.

Iginiit ni Trinidad na nananatiling nakatuon ang AFP sa pagtatanggol sa soberanya ng bansa, pagpapatibay ng maritime security, at pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na operasyon, mas pinaigting na maritime domain awareness, at mas mahigpit na koordinasyon sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Patuloy ang tensyon sa South China Sea habang iginiit ng China ang malawak nitong pag-angkin sa karagatan sa kabila ng desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague noong 2016 na nagsabing wala itong “no legal basis.” Hindi kinikilala ng China ang naturang desisyon. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here