Home NATIONWIDE 83k cubic maters ng basura, putik natanggal sa 32 waterways sa MM...

83k cubic maters ng basura, putik natanggal sa 32 waterways sa MM – Malakanyang

1
0

MANILA, Philippines – Tinatayang mahigit 83,000 cubic meters ng basura at putik na ang natanggal sa 32 waterways sa Metro Manila, kabilang ang 30 truckload ng solid waste na nakolekta at nahakot mula sa Baclaran River sa Parañaque City.

Bilang bahagi ng tuloy-tuloy na dredging, clearing, at waste collection operations, personal na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Baclaran River upang masubaybayan ang paglilinis at pagtanggal ng mga basurang nakahahadlang sa maayos na daloy ng tubig patungong Manila Bay.

Ayon sa Malakanyang, aabot sa 172 DPWH personnel at 185 MMDA personnel ang kumilos sa clearing operations, katuwang ang karagdagang 230 tauhan mula sa MMDA, DENR, mga lokal na pamahalaan, at DOLE-TUPAD upang mapabilis ang pagtanggal ng mga basura at debris sa Baclaran River.

Dahil dito, patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa bawat filipino na makiisa sa responsableng pagtatapon ng basura at pangangalaga sa mga ilog, estero, at drainage system.

Sinabi pa ng Malakanyang na sa sama-samang pagkilos ay mapapanatiling malinis ang mga daluyan ng tubig, mapapabilis ang pag-agos nito, at mababawasan ang panganib ng pagbaha sa mga komunidad. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here