Home NATIONWIDE 84.34% voter turnout sa kauna-unahang BARMM polls – Comelec

84.34% voter turnout sa kauna-unahang BARMM polls – Comelec

1
0

MANILA, Philippines – Ang unang parliamentary election sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay nagtala ng 84.34% voter turnout, iniulat ng Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkules, Setyembre 16.

Sinabi ng poll body na mas mataas ang turnout kaysa sa inaasahang 80%.

Binigyang-diin ni Comelec chairman George Erwin Garcia na sa kabila ng mga insidente ng karahasan at pamamaril ay nagpasya ang rehiyon na bumoto at nanatiling matatag ang mga kababayan na Bangsamoro at pumunta pa rin sa mga polling precinct para bumoto.

Samantala, sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na ang unang parliamentary election ng BARMM ay pangkalahatang mapayapa, na inilalarawan ang mga insidente ng karahasan bilang mga isolated cases.

.Ang Bangsamoro Federal Party (BFP) ay nakakuha ng 16 na puwesto habang ang United Bangsamoro Justice Party (UBJP) ay nanalo ng 15 na puwesto sa makasaysayang BARMM parliamentary elections.

Ang BARMM Grand Coalition ay nanalo ng walong puwesto, habang ang Raayat Democratic Party ay nakakuha ng isang puwesto, ayon sa canvass report ng Comelec para sa Regional Parliamentary Political Party.

Ang Parliament ng BARMM ay may 80 puwesto: 40 inilaan sa mga kinatawan ng partido, 32 sa mga kinatawan ng distrito at walo sa mga kinatawan ng sektor. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here