Home HOME BANNER STORY 84% ng pamilyang Filipino salat sa ‘basic sanitation access’ – NEDA

84% ng pamilyang Filipino salat sa ‘basic sanitation access’ – NEDA

MANILA, Philippines – PUMWESTO ang Pilipinas sa pang-6 sa Association of Southeast Asian Nations pagdating sa access sa ‘basic sanitation services.’

Ito ang lumabas sa pag-aaral na ginawa ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Sa isang policy note ukol sa Philippine water sector, sinabi ng NEDA na habang may 97.6% ng pamilya ang gumagamit ng improved drinking water sources, mayroon namang 84% ng pamilya ang may access sa basic sanitation services.

Ang Pilipinas ay sinundan ng Indonesia with 80.9% ; Myanmar, 79.6%; Lao PDR, 73.8%; at Thailand na 48.4%.

Samantala, napaulat na ang Singapore ay mayroong 100% na access sa sanitation services.

Tinukoy ang 2020 Annual Poverty Indicators Survey (APIS), sinabi ng NEDA na may 8.4% ng pamilyang Filipino ang umaasa sa ‘unsafe sources’ ng tubig gaya ng “hindi protektadong balon, mga hindi nabuong bukal, ilog, mga lawa, tubig-ulan, o nabibili mula sa tanker trucks at naglalako ng tubig.

Upang malutas ito, tinuran ng NEDA na ang Department of Water Resources ay dapat na maging bahagi ng gabinete ng gobyerno na maging pangunahing ahensiya na responsable para sa “comprehensive and integrated identification and mapping of all water resources.”

“It will also be the lead agency in the planning, policy formulation, management, appropriation, utilization, exploitation, development, and protection of water resources in the Philippines,” dagdag na wika nito.

Sinasabi pa rin na may iba’t ibang ahensiya ang may iba’t ibang regulasyon sa water resources and management, patungo sa “duplicated efforts and unclear accountability.”

“The fragmentation and overlapping of roles lead to inconsistencies in terms of the enforcement of water policies, standards for water quality, and standards in issuing water permits,” ang mababasa sa policy note.

Tinukoy ng NEDA ang National Irrigation Administration kung saan habang nakatutok sa water resources para sa irigasyon, local water districts ay prayoridad ang water supply at distribusyon para sa iba’t ibang gamit.

Sinabi pa rin nito na ang iba’t ibang regulators ng water resources na lumikha ng “hodgepodge of varying standards, tariff setting methodologies, and uncoordinated planning and decision-making.”

Ayon sa Philippine Water Supply and Sanitation Master Plan, 27% lamang ng piped water utilities ng bansa ang “subject to economic regulation’, may 73% naman ang naiwan na walang anumang standard guidelines para sa “tariff setting o oversight sa performance.”

“Data on water resources is also put at risk due to the absence of a central agency, preventing comprehensive evaluation and identification of proper interventions to manage the country’s water resources,” ayon sa NEDA.

Samantala, ang House Bill 9663 o National Water Resources Act, na lumikha sa DWR at sa Water Regulatory Commission ay inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso noong nakaraang taon at nananatiling nakapending sa Senado. Kris Jose