Home LIFESTYLE HEALTH 87 kaso ng leptospirosis, naitala sa Maynila

87 kaso ng leptospirosis, naitala sa Maynila

293
0

MANILA, Philippines – Ibinahagi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na tumaas na sa 87 ang kaso ng leptospirosis sa Lungsod ng Maynila, Lunes, Agosto 11, 2025.

Batay sa inilabas na bilang ng mga pasyente na maysakit na leptospirosis ng Manila Public Information Office, nasa 16 pasyente ang naka-admit sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center; 11 pasyente sa Ospital ng Tondo; 1 sa Justice Jose Abad Santos General Hospital; 32 pasyente sa Ospital ng Maynila; 27 sa Sta. Ana Hospital; habang wala naman naitala sa Ospital ng Sampaloc.

Pinaalalahanan naman ng Pamahalaang Lungsod ang mga Manilenyo na mag-ingat, panatilihing malinis ang kapaligiran, at agad kumonsulta sa doktor kung makararanas ng anumang sintomas. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here