Home HOME BANNER STORY 9-anyos na nene natagpuang-patay, walang saplot sa bakanteng lote sa QC

9-anyos na nene natagpuang-patay, walang saplot sa bakanteng lote sa QC

255
0

MANILA, Philippines – Natagpuang wala nang buhay ang siyam na anyos na babae na naunang iniulat na nawawala, sa isang bakanteng lote sa Barangay Santa Lucia, Novaliches, Quezon City nitong Linggo ng hapon, Agosto 3.

Ayon kay Barangay Sta. Lucia captain Ruel Marpa, walang saplot nang matagpuan ang biktima.

“Noong pumunta ako, nakabalot na po siya ng kumot kasi siguro po noong unang dumating doon yung magulang mismo nakita ng magulang na lalaki (tatay) yung anak niya binalot niya po agad ng kumot kasi natagpuan po yung bata ayon sa mga nakakita hubo’t hubad na,” sinabi ni Marpa sa panayam ng GMA News.

Sa CCTV footage, nakita ang biktima na kasama ang isang lalaki patungo sa compound kung saan ito natagpuan.

Kalaunan ay natukoy ang lalaki na 13-anyos na kapitbahay ng biktima.

Inimbitahan ang lalaki ng barangay para imbestigahan at tanungin.

“Sabi niya noong madaling araw, doon nga po sila pumunta sa Valbuena compound bandang dulo. Magkasama po sila. Doon sa testimony niya po ang pagkaksabi niya sa amin noong gabi na yun ay sinakal niya lang. Pagkasakal niya nawalan ng malay. Doon na po ginawa siguro yung hindi dapat mangyari,” ani Marpa.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang 13-anyos.

Tinitingnan ng mga awtoridad ang posibilidad na may iba pang sangkot sa insidente dahil duda ang mga ito na kayang pasukin nang mag-isa ng binatilyo ang nakakandadong compound.

Isasailalim sa autopsy ang katawan ng babae. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here