Home METRO 9 bahay wasak sa rumaragasang baha, bato sa Bataan

9 bahay wasak sa rumaragasang baha, bato sa Bataan

1
0

BATAAN, Philippines – Siyam na bahay ang nasira matapos tangayin ng rumaragasang baha na may kasamang malalaking bato at troso sa Purok 5, Barangay Pita, Dinalupihan, Bataan, sa gitna ng patuloy na pag-ulan dahil sa Southwest Monsoon o Habagat.

Ayon sa barangay captain, galing sa landslide sa Zambales ang malalaking batong inanod ng baha papunta sa Bataan. Nagulat ang mga residente nang biglang tumaas ang tubig na may dalang putik at mga malalaking tipak ng bato.

Iniutos ng mga lokal na awtoridad ang sapilitang paglikas ng mga residente sa apektadong lugar.

Hindi pa agad malinaw kung aling landslide sa Zambales ang pinagmulan ng mga batong inanod sa Bataan. Gayunman, may naganap na landslide sa Subic Bay Freeport Zone noong Agosto 29 na ikinasawi ng hindi bababa sa dalawang tao at ikinasugat ng dalawa pa.

Patuloy na nakararanas ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa ang ilang bahagi ng bansa dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan na dala ng Habagat. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here